Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Residential House sa Kabacan, nasunog!

(Kabacan, North Cotabato/ November 11, 2015) ---Abot sa P15,000 ang naitalang danyos sa nangyaring sunog sa isang residential house na nasa Abellera St., Poblacion, Kabacan, North Cotabato alas 7:26 kagabi.

Sa impormasyong ipinarating sa DXVL News ni FSI Ibrahim Guiamalon na nagsimula ang sunog alas 7:24 at tuluyan itong na fire-out alas 7:34 ng gabi.

Kinilala ang may ari ng bahay na si Rudolfo Garcia Sr.

Wala namang may naiulat na nasaktan sa nasabing sunog na mabilis namang na rumespondehan ng mga kagawad ng pamatay apoy.

Ayon kay Guiamalon, nagsimula ang apoy matapos na magsiga ng bonfire ang may ari ng bahay para mawala ang mga lamok, pero lumaki ang apoy at lumikha ng sunog. 

Umabot ng unang alarma ang nasabing sunog.

Dahil sa mabilis na pagresponde ng mga BFP, naagapan ang pagkakasunog at di na ito umabot pa sa iba pang mga kabahayan. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento