Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

5 Katao, sugatan sa pagsabog ng granada sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ November 15, 2015) ---Sugatan ang lima katao sa panghahagis ng granada sa panulukan ng Malvar Street at Rizal Street National Highway sa Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:30 kagabi.

Kinilala ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP ang mga bikitma na sina: Berlie Baluyot, 46 taong gulang, may asawa, residente ng Doña Aurora Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang binti; Rosalie Pareñas, 36 taong gulang, residente ng Brgy Bannawag, Kabacan na tinamaan sa kanyang ulo; John Clark Mantilla Opena, 13 taong gulang residente ng Roxas Street, Kabacan na tinamaan sa kanyang kaliwang paa; Gerardo Ombrete Moya, 48 taong gulang, may asawa, residente ng Maria Clara Street, Poblacion Kabacan na tinaamaan sa kanyang kanang dibdib at si Johainna Pops Suelo Alon, 17 taong gulang, residente ng Quirino street, Poblacion Kabacan.

Ayon kay Cordero, mga riding criminals ang mga responsable sa panghahagis ng granada na mabilis namang tumakas sa di malamang direksiyon.

Matatandaan na noong Nobyembre a-11, isang batang paslit ang sugatan sa inihagis na granada sa harap ng Rock Oil Gasoline Station sa bayan ng Kabacan.

Dahil dito, pinatutukan ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. sa mga pulisya ang nasabing insidente.

Posible kasing pananabotahe sa peace and order situation ng bayan ang krimen. Rhoderick Beñez, Brex Nicolas and Chrispin Tuscano


0 comments:

Mag-post ng isang Komento