(North Cotabato/ November 13, 2015) --- Nasa
maayos na kalagayan na ang Soccer player ng University of Southern Mindanao-
Kidapawan City Campus (USM-KCC) matapos na masangkot sa aksidente habang
naglalaro sa isinagawang Mindanao Association of State Tertiary Schools o MASTS
sa Pagadian City sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.
Ito ayon kay Dr. Moises Renan Sungcad, ang
attending physician ng biktimang si Bhern Rhenz Tapang Tusale, 21-anyos ng
Kidapawan City.
Sinabi sa DXVL News ni Sungcad na
aksidenteng natamaan ng tuhod ng kalaban ang tiyan ni Tusale habang naglalaro
at idenedepensa ang koponan.
Dahil dito, nanigas ang kanyang tiyan at
nahimatay ang manlalaro.
Agad na isinugod sa pinakamalapit na
pagamutan ang biktima.
Naisagawa naman ang operasyon sa tulong ng
mga doctor at maging sa suporta ng mga USM faculty.
Kanina ay ibiniyahe ang biktima buhat sa
Pagadian Papuntang Kidapawan City sakay sa ambulansiya ng Kabacan.
Ayon sa kanyang mga coach si Tusale ay isa
sa mga magaling sa kanilang koponan.
Kung hindi sana nangyari ang di inaasahang
aksidente, malaki ang tsansa na mananalo ang team USM sa nasabing laro.
Pero sa kabila nito, patuloy namang
namamayagpag ang team USM sa iba pang kompetisyon kungsaan nakuha ng USM ang
1st Runner-up for the Socio Cultural Competition.
Kampoen ang pambato ng USM sa contemporary
Dance, maging sa larong softball ay naipanalo din ito ng koponan ng USM.
Matatandaan na noong nakaraang taon, nakuha
ng USM ang Rank 9 mula sa halos 20 mga paaralan na sumali sa MASTS. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento