Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

4-anyos na paslit, sugatan sa panghahagis ng granada sa Kabacan, Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ November 12, 2015) ---Sugatan ang isang 4-anyos na bata makaraang matamaan ng pagsabog ng granada na inihagis sa harap ng Rock Oil station malapit lamang sa bagong inilagay na PNP COMPAC na nasa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:00 kagabi.

Nasa maayos namang kondisyon ngayon ang biktima na menor de edad, ayon kay PSI Ronnie Cordero, hepe ng Kabacan PNP.

Batay sa ulat sakay ang biktima sa isang multicab na binabaybay ang National Highway ng mangyari ang insidente.

Nagsasagawa pa ng post blast investigation ang CPPO EOD, PNP SOCO, AFP EODT kasama ang  Alert Team na rumesponde sa lugar.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek sa di malamang direksiyon.


Patuloy pa ngayong tinutugis ng mga otoridad ang mga responsable sa krimen at upang ma-establish ang motibo sa nasabing krimen. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento