(Koronadal City/ November 12, 2015) ---Abot sa
P0.538 Bilyung halaga ng mga proyekto ang ipinamahagi ng Department of
Agriculture sa mga magsasaka at mga Local Government Units o LGUs sa Rehiyon 12
na isinagawa sa DA Regional Field Office 12 sa Regional Center, Barangay
Carpenter Hill, Koronadal City kahapon.
Pinangunahan mismo ni DA Secretary Proseso
Alcala ang nasabing programa sa harap ng libu-libung mga magsasaka at
mangingisda at mga lokal na opisyal ng Rehiyon.
Ayon kay Regional Executive Director Amalia
Jayag Datukan na ang nasabing mga proyekto na ipinamahagi ay ang mga farm
machines kasama na rin ang fund transfer bilang bahagi ng Grand Ulat sa bayan
ng DA 12.
Kabilang sa mga magsasaka na naging bahagi
ng nasabing aktibidad ay si Jerry Soguilon, Presidente ng BNBL IA na nakabase
sa Mlang, North Cotabato at nakatanggap ng iba’t-ibang farm Machineries mula sa
DA kagaya ng combine harvester, Four-wheel drive tractor at may backhoe at iba
pa.
Sa isang press conference, sinabi ni kalihim
Alcala na unti-unti ng bumabalik ang tiwala ng mga magsasaka sa Kagawaran dahil
sa patuloy na pagbuhos ng mga ito sa mga programa ng DA.
Sinabi pa ng Secretary na kauna-unahan sa DA
ang paglalagay ng Buffer seeds bilang bahagi ng kanilang paghahanda sa pagtama
ng El Nino sa bansa.
Ang pagdalo ng kalihim sa aktibidad kahapon
ay ikatlong beses niya ng pagpunta sa Rehiyon 12 ngayong taong ito kung saan
patuloy nitong binubuhusan ng proyekto ang Rehiyon. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento