(Midsayap, North Cotabato/ November 13, 2015)
---Abot sa P14.6M ang kabuuang halaga ng mga infrastructure at electrification
projects ang naipamahagi sa 8 mga barangay sa Midsayap, Cotabato nitong Sabado,
Nov. 7, 2015.
Kabilang sa naturang proyekto ang solar
dryer na nagkakahalaga ng P300,000 para sa Barangay Nabalawag, 298-mtr barangay
road concreting project sa Barangay
Lower Katingawan na nagkakahalaga ng P3M, 339-mtr barangay road concreting
project sa Barangay Bagumba-P3M, covered court para sa Barangay Lagumbigan-P1.5M,
Multi-Purpose Building para sa Central Labas- P600,000, Multi-Purpose Building
para sa Upper Labas- P600,000, covered court para sa Barangay Upper
Bulanan-P1.5M at electrification project – constructed lateral lines with 63
poles-P4.1M.
Lahat ng naturang mga proyekto ay pinondohan
ng Provincial Government of Cotabato alinsunod sa adbokasiya ng ”Serbisyong
Totoo” na naglalayong maibigay sa mamamayan ang mga programa at proyektong
magpapa-angat ng antas ng pamumuhay.
Mismong si Gov Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza ang nanguna sa turnover ng nabanggit na mga proyekto sa bawat
recipient barangay.
Kasama ng gobernadora sa turnover sina Cot 1st
District Board Members Shirlyn Macasarte at Kelli Antao at ilang mga municipal
officials ng Midsayap.
Tuwang-tuwa naman ang mga barangay officials
ng naturang mga barangay sa proyektong kanilang natanggap dahil malaki ang
pakinabang ng kanilang mga constituents.
Ayon kay Brgy Olandang Chairman Sahada
Pipikan, mahigit 20 taon na silang nagtitiis na walang kuryente sa lugar kaya’t
ganon na lamang ang kanilang pasasalamat kay Gov Taliño-Mendoza sa pagsisikap
nitong mabigyan sila ng kuryente. (JIMMY
STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento