(North Cotabato/ November 13, 2015) ---Upang
matulungang makapagtanim muli ang mga magsasaka ng palay na nasalanta ng
nakaraang kalamidad na El Niño, namahagi mula Oktubre hanggang Nobyembre 13,
2015 ang Office of the Provincial Agriculturist ng kabuuang 1,691 bags ng libreng
certified palay seeds sa kaparehong bilang ng mga recipients sa buong
lalawigan.
Ang mga binhi ng palay na naipamahagi ay nagkakahalaga ng kabuuang P2.3M
na may presyong P1,360 kada sako.
Ayon kay Provincial Agriculturist Eliseo
Mangliwan, malaki ang pagpapahalaga ng Pamahalaang Panlalawigan sa pagtulong sa
mga magsasakang apektado ng nakaraang tagtuyot upang sila ay makapagtanim muli,
katunayan libreng dekalidad na binhi ng palay ang ipinamigay sa kanila.
Ang
pondo para sa nasabing calamity seeds assistance ay mula pa 2015 budget ng Provincial
Disaster Risk Reduction Office ng Cotabato Province.
Narito po ang breakdown kada munisipyo ng
rice seeds na naipamahagi:
1.
Mlang
– 263 bags 8. Antipas – 120 bags
2.
Kidapawan
City – 30 bags 9. Pres.
Roxas – 202 bags
3.
Arakan
– 66 bags 10. Aleosan –
50 bags
4.
Tulunan
– 286 bags 11.
Carmen – 38 bags
5.
Kabacan
– 120 bags 12.
Libungan – 60 bags
6.
Pigcawayan
– 210 bags 13. Banisilan – 60
bags, at
7.
Midsayap
– 118 bags 14.
Walk-in clients – 68 bags
Ang mga binhi ng palay ay tinanggap ng mga
farmer beneficiaries sa mga strategic places sa bawat bayan katulad ng
gymnasium, Tanggapan ng Municipal Agriculturist at sa mga bodega na accessible
sa mga recipients ayon naman kay Fidel Raya, ang Provincial Rice Coordinator ng
lalawigan ng Cotabato.
Ang pamamahagi ng libreng palay seeds ay
bahagi ng calamity seeds assistance program na ipinatutupad ng Pamahalaang Panlalawigan
ng Cotabato sa ilalim ng Serbisyong Totoo program ni Gov. Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza.
Written
by: RUEL
L. VILLANUEVA
Agricultural Technologist
OPA Amas, Kidapawan City
0 comments:
Mag-post ng isang Komento