AMAS,
Kidapawan City (Nov
9)
- Matapos sumabak sa 2015 Batang Pinoy Mindanao Qualifying Leg sa
Koronadal City noong October 24-29, 2015 at masungkit ang 9 gold,15 silver at
16 bronze medals, pinaghahandaan na ngayon ng Cotabato delegation ang mas
maigting na kompetisyon sa National Championships sa Cebu City sa darating na
Nov. 27-Dec 2.
Ayon kay Philippine Karatedo Association 12
Regional Chairman at Karatedo Head Coach Nonoy Sedo Alejo, abot sa 60 atletang
elementarya at high school ang sasabak sa National Championships ng 2015 Batang
Pinoy at kasalukuyang sumasailalim sa ibayong training ang mga ito.
Kabilang sa mga tutungo ng Cebu City ang mga
gold medalists sa Karatedo na sina Jerome Seballos, Sheena Allysa Alejo, Reanne
Christel Bolano, Junrey Flores,Jr. at Mae Ann Sidayon ng Antipas High School;
JC Anne Marriz Quimanhan, Stephen Pillado, Kitch Katanyag at Jaypol Bañaria ng
Antipas Central Elem School; Marc Angel Dominic Gabriel ng Kiyaab Elem School,
Antipas; Datu Jaynur Mustapha ng M’lang National High School; Ainey Chin
Espartero ng Mariano Untal High School, M’lang; Carmela Quiñones at Justine
Franco Javier ng Pikit National High School.
Maliban sa Karatedo, sasabak din sa 2015 National
Championships ng Batang Pinoy ang iba pang mga atleta mula sa Cotabato Province
sa larangan ng arnis, athletics, badminton, basketball (3 on 3), boxing, chess, taekwondo at iba pa.
Ayon kay Alejo, malaki ang naitulong ng
Provincial Government of Cotabato sa mga travel expenses at allowances ng mga
atleta.
Pinasalamatan niya si Gov Emmylou “Lala” J.
Taliño-Mendoza sa paglalaan ng sapat na pondo para suportahan ang mga atleta ng
Cotabato ganundin ang DepEd Cot Schools Division at mga Local Government Units
sa suportang ipinagkaloob sa Cotabato delegation.
Kaugnay nito, lalo pa raw pag-iibayuhin ng
mga atleta at mga coaches ang kanilang performance upang muling makasungkit ng
mga medalya at mabigay ng panibagong karangalan sa Lalawigan ng Cotabato. (JIMMY STA. CRUZ-PGO Media Center)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento