(Midsayap, North Cotabato/ November 13, 2015)
---Pinangunahan ng Cotabato Provincial Police Office kasama ang mga alagad ng
PNP Midsayap ang One Time- Big Time Lambat- Sibat at operasyon kontra illegal
numbers game sa bayan ng Midsayap, North Cotabato.
Mismong si Cotabato Police Provincial
Director PSUPT. Alexander Tagum ang nanguna sa operasyon ng pulisya ngayong
raw.
Labing anim na suspect ang nahuli dahil sa
paglabag sa RA 9287.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang iba’t-
ibang gambling paraphernalia at bet money na umabot sa halagang P21, 760.
Sa report naman ni Midsayap Chief of Police
Gilbert Tuzon, abot sa 250 units ng motorsiklo ang na-impound ng PNP sa
kanilang Operation Oplan Lambat Bitag.
Mga violations tulad ng walang driver’s
license, walang helmet, walang OR at CR na maipakita. Roderick Bautista
0 comments:
Mag-post ng isang Komento