(Cotabato City/ November 11, 2015) ---Ipinagpaliban
ng Autonomus Region in Muslim Mindanao o ARMM Regional Legislative Assembly ang
kumpirmasyon ni ARMM-Deped Secretary John Magno.
Ito matapos na maharang ito dahil sa
isinagawang hearing na itinakda ng RLA matapos na maghain ng reklamo si Marawi
Schools Division Supt. Mona Macatanong.
Nag-ugat ang pagkakabalam ng appointment ni
Magno bilang kalihim ng Kagawan ng Edukasyon sa ARMM matapos na maghain ng
reklamo si Macatanong kaugnay sa hindi pagbibigay ng Maintenance Operating and
Other Expenses o MOOE sa kanyang Dibisyon.
Bukod dito, ibinunyag pa ni Macatanong ang
mga anomalyang kinasasangkutan ng uupong kalim kaugnay sa mga pag-demote umano
nito ng ilang mga di pa kwalipikadong guro.
Inihalimbawa ni Macatanong ang pag-promote
ng isang guro na may ranggong Teacher 1 bilang principal.
Para kay Macatanong, hindi makatarungan ang
ginagawang kalokohan ng nasabing opisyal at hindi umano karapat-dapat na
confirmation si Magno bilang kalihim ng kanilang Kagawaran.
Sa isinagawang hearing kahapon, ay agad
namang sinagot ni Dr. Magno ang mga alegasyong ipinupukol sa kanya ni
Macatanong.
Ayon sa ilang mga assemblyman ng ARMM,
naniniwala naman sila sa kakayahan ni Magno na mamumuno sa nasabing Kagawaran.
Malaki naman ang paniniwala ng ilang mga
taga-suporta ni Dr. Magno na ma-confirm ito bilang DepEd Secretary.
Pero sa kabila nito, tuloy pa rin ang laban,
ayon kay Macatanong.
Humihingi ito ng dasal na sana ay marinig sa
taas ang kanyang panawagan na hindi makumpirma si Magno bilang Kalihim.
Samantala, maging ang ilang mga media ay
pinalabas kahapon ng magsimula ang nasabing hearing.
Pansin din na maging ang mga media sa
Cotabato City ay hindi nag-cover ng nasabing event.
Nabatid na kahapon sana ay ang confirmation
ni Dr. Magno pero hindi natuloy dahil sa kinakaharap nitong mga akusasyon na
isinampa naman laban sa kanya ni SDS Macatanong.
Sinubukan ding kunan ng pahayag ng himpilang
ito ang panig ni Dr. Magno pagkatapos ng hearing kahapon pero hindi ito nag
paunlak ng panayam matapos na pumasok ito sa silid ng mga assemblyman.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento