Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

MILF, mas pinaigting ang kampanya laban sa illegal na droga

(North Cotabato/ November 13, 2015) ---Mas pinaigting pa ngayon ng pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF ang kanilang kampanya laban sa pagsugpo ng illegal na droga sa lugar na sakop ng Bangsamoro Region.

Ito batay sa inilabas na kalatas ng MILF kungsaan nakasaad sa nasabing resolusyon hinggil sa mahigpit na ipagbawal ang paggamit ng shabu at pagbebenta nito sa Bangsamoro areas at mga karatig na lugar. 
 
Inatasan na rin ng MILF Central Committee si MILF Bangsamoro Islamic Armed Forces Chief of Staff, Sammy Al-Mansour na ipatupad ang resolusyon sa lalong madaling panahon.  


Ginawa ng pamunuan ng MILF ang hakbang matapos ang dumaraming bilang ng krimen kungsaan ang mga sangkot ay pawing mga lango sa ipinagbabawal na gamot partikular na ang shabu. Rhoderick Beñez




0 comments:

Mag-post ng isang Komento