(Marawi City/ November 9, 2015) ---Hanggang
ngayon ay hindi pa rin naibibigay ng Department of Education DepEd-ARMM ang
Maintenance, Operating and Other Expenses o MOOE ng Marawi City Division sa
lalawigan ng Lanao del Sur.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Marawi City
Schools Division Supt. Mona Macatanong kungsaan noon pang Hunyo 2014 hanggang
ngayon ay ni-hold ng DepEd-ARMM ang kanilang MOOE.
Ayon kay Macatanong, walang dahilan ang
ARMM-Deped na hindi nila ibigay ang MOOE ng nasabing sangay ng paaralan kasi
lahat naman ng alegasyon at dahilan nila sa hindi pag-download ay natugunan
naman ng Superintendent.
Una, naka-pagsumite ito ng kanilang
liquidation sa kanilang resident auditor at ito ay aprubado ng kanilang dating
Regional Secretary Jamar Kulayan at ikalawa ay kanyang na-ayos ang kanyang
petsa ng kaarawan kaugnay sa kanyang pagretiro noon pang October 18, 2013.
Dahil dito, maraming mga school activities at
mga transaksiyon ng Division ang nababalam dahil sa walang pondong gagamitin
ang mga paaralan na nasasakop ng kanilang dibisyon.
Nag-sangla ng kanyang mga alahas at iba pang
gamit si Macatanong para lang makapagpadala ng kanilang delegasyon sa Boys/Girls
Scout of the Philippines nitong nakaraang buwan.
Maliban dito, apektado rin ang mga travel ng
kanyang mga guro maging ang contract of service na empleyado ng kanyang
Dibisyon.
Ayon kay Macatanong abot lamang sa P398,000
buwan-buwan ang MOOE ng kanyang kanilang dibisyon.
Kaugnay nito, naghain na rin ng reklamo si
Macatanong sa Civil Service Commission at sa Korte Suprema at lumabas na ang
desisyon pero hindi umano ito pinapansin ni ARMM Gov. Mujiv Hataman at maging
ni incoming ARMM-DepEd Sec John Magno.
Dahil dito, bukas nakatakdang magtutungo ang
kampo ni Macatanong sa ARMM-DepEd upang tutulan ang pormal na pag-designate kay
Secretary Magno bilang kalihim ng Kagawaran.
Sinusubukan pang kunan ng pahayag ng DXVL
ang panig naman ng ARMM-DepEd sa nasabing isyu. Rhoderick Beñez
What will happen when ARMM Governor and his Education Secretary are arbitrarily exercising the power committing grave abuse of discretion and even defying Court orders?
TumugonBurahin