Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Mahigit 100, naging benepisyaryo ng Medical at Dental Mission sa isang barangay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2014) ---Abot sa mahigit sa isang daan ang naging benepisyaryo ng isinagawang Medical at Mission na isinagawa sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Government sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan at ng Sangguniang bayan.

Mahigit 100, naging benepisyaryo ng Medical at Dental Mission sa isang barangay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2014) ---Abot sa mahigit sa isang daan ang naging benepisyaryo ng isinagawang Medical at Mission na isinagawa sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Government sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan at ng Sangguniang bayan.

Detachment ng Sundalo, inatake ng BIFF

(Maguindanao/ May 9, 2014) ---Pansamantalang isinara kahapon ang ilang bahagi ng National highway sa Maguindanao papuntang Koronadal city matapos atakihin ng ilang miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIFF ang tatlong detachment ng Philippine Army sa lalawigan pasado alas tres kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Philippine Army's 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso, ang grupo ng BIFF na nangharas sa detatchment ng 45th Infantry Brigade sa Barangay Meta, Datu Unsay, detatchment ng 1stMechanized Battalion sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan at dating Provincial Capitol ng Maguindanao sa Shariff Aguak ay pinangunahan nina Samad Simpal, Kadaffy Abdulatip at Bungos.

50-anyos na babae, kritikal matapos, pagbabarilin sa Midsayap, NCot

(Midsayap, North Cotabato/ May 9, 2014) ---Nasa malubhang kalagayan ngayon ng isang babae matapos pagbabarilin sa Barangay Villarica, Midsayap, North Cotabato pasado alas 6:00 kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Julieta Faunillan-Untal, 50 anyos, residente ng nasabing lugar.

Government internship program ipapatupad sa Distrito Uno ng North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 16, 2014) ---Nais ipaalam ng Department of Labor and Employment o DOLE North Cotabato Provincial Office na maari nang magsumite ng aplikasyon ang mga interesadong sumailalim sa Government Internship Program o GIP.

Nabatid na ang GIP ay isang programa ng gobyerno upang mabigyan ng pagkakataon ang mga college graduates at undergraduates na nais magkaroon ng karanasan sa government service sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Kickoff activity ng Brigada Eskwela, magsisimula na ngayong araw

(Amas, Kidapawan City/ May 9, 2014) ---Magsisimula na ngayong araw ang kickoff activity ng brigada eskwela ng Cotabato Division.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas na sa lunes pa umano pormal na magsisimula ang brigada eskwela at kickoff ceremony lang daw ang magaganap ngayong araw sa Apostol Memorial Elementary School.

P.3M tulay sa malayong barangay ng Kabacan, inumpisahan na

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Puspusan ngayon ang ginagawang proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan para sa second quarter ng kasalukuyang taon kasama na dito ang konstruksiyon ng mga tulay.

Kabilang ito sa mga prayoridad na programa ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.

Comelec Kidapawan walang standby na gen set

(Kidapawan City/ May 8, 2014) ---Inireklamo ngayon ng ilang mga bontante sa Kidapawan city ang City Comelec makaraang nabalam ang kanilang transaksiyon sa nagpapatuloy na voters registration, reactivation at validation dahil sa mahabang brownout sa Kidapawan City.

Batay sa report abot lamang sa 34 ang nakapagrehistro sa unang araw ng voter’s registration dahil sa mahabang brownout.

Suspek at biktima ng agaw motorsiklo sa Pikit, Cotabato; sugatan sa pamamaril

(Pikit, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Sugatan ang 32-anyos na biktima ng agaw motorsiklo habang nabaril naman ng pulis ang isa sa mga suspek habang papatakas sa nangyaring agaw motorsiklo sa Notre Dame Drive, Poblacion, Pikit, Cotabato ala 1:30 kahapon.

Kinilala ni PInsp. Mautin Pangandigan, hepe ng Pikit PNP ang biktima na si Oliver Esic Yacap, 32-anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Proyektong electrification at road concreting pinasalamatan ng mga taga- San Mateo, Aleosan

Written by: Roderick Bautista

(Aleosan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Bato sa Barangay San Mateo, Aleosan dahil sa mga proyektong ipinatupad ng gobyerno sa kanilang lugar.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni San Mateo Barangay Chairperson Romulo Babao na malaking tulong ang proyektong pailaw na ngayon ay pinapakinabangan na umano ng mga mamamayan sa Sitio Bato.

1 Tulak Droga, nasakote; 1, tinutugis

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Kalaboso ngayon sa Kabacan lock up cell ang isang tulak droga ng madatnan ng DXVL News team sa himpilan ng Kabacan PNP kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Roger Tatak Abpi, 28-anyos, kasado, tricycle driver at residente ng Kabasalan, Pikit, Cotabato.

Palarong Pambansa Latest Medal Tally


List of successful examinees in the May 2014 Civil Engineer Licensure Examination

Roll of Successful Examinees in the 
CIVIL ENGINEER LICENSURE EXAMINATION 
Held on MAY 4 & 5, 2014 Page: 2 of 39 
Released on MAY 7, 2014 


Seq. No. N a m e

1 ABAD, JUSTINE BRYAN DELA CUADRA
2 ABALOS, BILLY CORPUZ
3 ABALUS, BILLY CUNANAN
4 ABAN, JAN ROMMEL FRANCISCO
5 ABAN, RICHARD MORALES
6 ABARQUEZ, KRISTOPHER DANIEL NG
7 ABAS, RAZUL AKMAD
8 ABAS, SITTIE RAYYAH UNOS
9 ABATON, KHALID ALA
10 ABAYAN, ARACELE ELGAR
11 ABDUL, AIVEE CAMACHO 

Planung pag-relieve sa Chief of Police ng Kabacan, idenepensa ng PD at ng alkalde

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2014) ---Idenepensa ni Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta at ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr. na wag sibakin sa pwesto si Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP matapos ang pagkakapaslang sa USM Security Head.

Ito ang ibinunyag kahapon ni Supt. Noel Kinazo, ang Deputy Director ng CPPO sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting.

Tricycle drayber sugatan sa pananaksak sa Kabacan kagabi

(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2014) ---Isinugod sa isang bahay pagamutan ang isang 39-anyos na lalaki makaraang masaksak sa Aglipay St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 6:45 kagabi.

Sa report na nakalap ng DXVL News kinilala ang biktima na si Bobit Galvez Daez, 40-anyos, kasado at residente ng Bliss, Katidtuan.

USM Security Head na pinaslang sa loob ng USM Campus, ililibing na sa Biyernes

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2014) ---Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang USM Security Head na si Ronald Lopez sa Biyernes.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News mula sa pamilya mismo ng biktima.

Ayon kay Moneeka Lopez, panganay na anak ng dating ULS Principal na napagdesisyonan ng mga kamag anak na  hindi na itutuloy ang cremation at ililibing na lamang sa kanilang compound ang mga labi ng kanyang ama.

Handtractor na lulan ng mga illegal na troso, nasabat ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2014) ---Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang trailer na lulan ng mga illegal logs makaraang abandonahin sa kalsada na nasa bahagi ng Abellera St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:20 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing hand-tractor na may lulang mahigit kumulang 300 board feet na illegally cut logs ay iniwan ng mga di pa nakilalang suspek makaraang matunugan ng mga ito ang mahigpit na police visibility at guarding system na ipinapatupad ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa lugar.

Alkalde, escort; sugatan sa pagsabog ng IED sa Lebak, Sultan Kudarat

(Lebak, Sultan Kudarat/ May 5, 2014) ---Sugatan ang alkade ng Lebak Sultan Kudarat at escort nito matapos sumabog ang isang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED sa gilid ng Municipal Hall ng Lebak Sultan Kudarat kaninang alas 11:05 ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay PSI Joel Martinez, hepe ng Lebak PNP kinilala ang mga biktima na si Lebak Mayor Dionisio Besana at escort nito na si Police Officer 2 Vislli Reyes.

2 Suspected Carnapper, timbog ng Libungan PNP!

(Libungan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Arestado ang dalawang mga carnapper ng tangkang tangayin ang isang XRM na motorsiklo sa Poblacion ng Libungan, Cotabato kamakalawa.

Kinilala ni PCI Bernard Tayong, hepe ng Libungan PNP ang dalawang mga suspek na sina Rahib shariff Usman, 30-anyos, may asawa  at Basher Cabunsuan na pawang mga residente ng Lumopog, Midsayap, North Cotabato.

Libu-libo nakilahok sa Peace Rally hinggil sa BBL sa iba't-ibang panig ng Mindanao

Libu-libo ang nakilahok sa isinagawang Peace rally sa iba't ibang lugar sa Mindanao kahapon para ipanawagan sa kongreso ang pagsasabatas sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Layunin ng Peace rally na maipakita ang suporta ng iba't ibang sektor sa pagbuo ng Bangsamoro Political entity sa Mindanao kapalit ng ARMM.

Bangkay, natagpuang palutang-lutang sa Kabacan river

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Isang bangkay ang natagpuang palutang-lutang sa Kabacan river partikular sa barangay Aringay, Kabacan, Cotabato alas 11:30 ng umaga kahapon.

Ayon sa report ng Kabacan PNP naagnas na ang bangkay ng marekober malapit sa detachment ng mga sundalo sa Aringay.

Grupong Muscovado nagbigay ng karangalan sa Cot. – Gov Taliño-Mendoza

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Matalam, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Nakauwi na sa Matalam ang Grupong Muscovado ng Matalam High School matapos na sumabak ito sa Aliwan Fiesta noong Apr. 24-26, 2014.

Sakay sila ng naglalakihang bus ng Rural Transit, Inc. kasama ang kanilang trainer, ilang mga guro ng Matalam High School at support staff.

Sinalubong naman sila ni Cot. Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa Matalam at binati sa mahusay na performance sa Aliwan Fiesta.

Security guard, patay sa shootout sa Cotabato City

(Cotabato City/ May 5, 2014) ---Dead on arrival sa pagamutan ang isang security guard makaraang barilin ng isa sa apat na suspek na sanay manloob sa kanyang binabantayang Pawnshop sa Sk Pendatun Avenue, Corner Bonifaci0 Street, Poblacion 6, Cotabato City alas 9:15 ng umaga noong Sabado.

Kinilala ng Police Station 1 ang biktima na si Rick Boy Umpacan, 36-anyos, may asawa at residente ng Balas, Kalanganan ng nasabing lungsod.

(Update) Suspek na naghagis ng granada sa Kabacan; sasampahan na ng kaso ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Kasong illegal possession of firearms at damage of property ang kasong isasampa ng Kabacan PNP sa suspek na nahuli na responsable sa pagpapasabog ng granada sa USM Avenue ditto sa bayan ng Kabacan kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Abdul Gulam Hamid, 23-anyos, binata, tricycle driver at residente ng Palimbang, Sultan Kudarat.

Jail Officer, patay sa pamamaril sa Kidapawan City

(Kidapawan City/ May 5, 2014) ---Patay ang isang Jail Officer na kasapi ng Bureau of Jail Management and Penology ng Kidapawan makaraang ratratin sa harap ng Anima’s Carwash, Quezon Boulevard, Brgy. Poblacion, Kidapawan city ala 1:20 ng madaling araw kahapon.

Sa panayam ng DXVL News kay Jail Inspector Diosdado Enso, Kidapawan City Warden kinilala ang biktima na si JO1 Reden Lester Cruz, nasa tamang edad, residente ng nasabing lugar at nakadestino sa Kidapawan BJMP.