(Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2014) ---Idenepensa
ni Cotabato Police Provincial Director S/Supt. Danilo Peralta at ni Kabacan
Mayor Herlo Guzman Jr. na wag sibakin sa pwesto si Supt. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP matapos ang pagkakapaslang sa USM Security Head.
Ito ang ibinunyag kahapon ni Supt. Noel
Kinazo, ang Deputy Director ng CPPO sa isinagawang Municipal Peace and Order
Council Meeting.
Ayon sa report, pina-rerelieve ni Regional
Director Police Chief Lester Camba si Maribojo matapos ang pagkakabaril patay
kay Ronal Lopez sa loob ng USM Main campus.
Pero giit ni Mayor Herlo Guzman, Jr. na
marami ng nagawa si Supt. Maribojo sa bayan ng Kabacan para i-nuetralize ang
mga kriminalidad sa lugar.
Napababa rin nito ang kaso ng carnapping,
pamamaril at crimes against property sa kanyang pag-upo bilang Chief of Police
ng Kabacan.
Ito rin ang naging paliwanag ni S/Supt.
Peralta kay Camba.
Anila, may sariling charter ang University
at may sariling security force ang pamantasan at di pwedeng pumasok ang LGU
dito maliban kung ito ay usapin nang seguridad sa buong bayan.
Kaugnay nito, nais ng alakalde na kausapin
si USM Pres. Francisco Garcia upang maglatag ng konkretong seguridad sa
Pamantasan.
Samantala hinamon naman ni Mayor Guzman sina
Poblacion Kapitan Mike Remulta at Chief Maribojo na ipasara ang lahat ng mga
pasugalan sa Kabacan. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento