Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Handtractor na lulan ng mga illegal na troso, nasabat ng Kabacan PNP

(Kabacan, North Cotabato/ May 6, 2014) ---Nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng mga elemento ng Kabacan PNP ang isang trailer na lulan ng mga illegal logs makaraang abandonahin sa kalsada na nasa bahagi ng Abellera St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 8:20 kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang nasabing hand-tractor na may lulang mahigit kumulang 300 board feet na illegally cut logs ay iniwan ng mga di pa nakilalang suspek makaraang matunugan ng mga ito ang mahigpit na police visibility at guarding system na ipinapatupad ng Barangay Peace Keeping Action Team o BPAT sa lugar.


Ang nasabing mga kahoy ay buhat sa Barangay Pisan at plano sanang iluwas sa Poblacion ng Kabacan.

Agad namang tumakas ang drayber at pahinante ng nasabing hand-tractor sa di malamang direksiyon.


Sa ngayon, dinala na sa Kabacan MPS ang iba’t-ibang putol at haba ng nasabing kahoy at nakatakdang i-turn-over sa MENRO Kabacan. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento