Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

(Update) Suspek na naghagis ng granada sa Kabacan; sasampahan na ng kaso ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Kasong illegal possession of firearms at damage of property ang kasong isasampa ng Kabacan PNP sa suspek na nahuli na responsable sa pagpapasabog ng granada sa USM Avenue ditto sa bayan ng Kabacan kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Abdul Gulam Hamid, 23-anyos, binata, tricycle driver at residente ng Palimbang, Sultan Kudarat.
Natimbog ang suspek sa isinagawang dragnet operation ng PNP sa tulong ng BPAT sa panulukan ng Mapanao at Ma. Clara St., Poblacion ng bayang ito.

Narekober ng mga otoridad ang isa pang piraso ng granada ng matiklo ang suspek lulan ng minamaneho nitong kulay itim na Bajaj Motorcycle na may plate number 8232 QN.

Bagama’t walang nasugatan o nasaktan sa nasabing pagsabog, nag-iwan naman ito ng pinsala sa rolled up door ng costar establishment at mga kalapit na tindahan nito sa USM Avenue.

Sa ngayon, naghihimas ng malamig na rehas bakal ang suspek a nakapiit sa Kabacan lock up cell. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento