Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

P.3M tulay sa malayong barangay ng Kabacan, inumpisahan na

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Puspusan ngayon ang ginagawang proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan para sa second quarter ng kasalukuyang taon kasama na dito ang konstruksiyon ng mga tulay.

Kabilang ito sa mga prayoridad na programa ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.


Sa report na nakuha ng DXVL News mula sa Municipal Engineering Office naglabas ngayon ng P320,000 na pondo ang Pamahalaang Lokal sa pamamagitan ng Economic Development Fund o EDF sa pagsisimula kahapon ng konstruksiyon ng tulay sa Bangilan.


Napag-alaman na malaking tulong ito sa mga residente sa lugar upang mapabilis ang kanilang transportasyon lalo na sa pagluluwas ng kanilang produkto gamit ang nasabing tulay na inaasahang matatapos na sa buwan ng Hunyo. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento