(Midsayap,
North Cotabato/ May 9, 2014) ---Nasa malubhang kalagayan ngayon ng isang babae
matapos pagbabarilin sa Barangay Villarica, Midsayap, North Cotabato pasado
alas 6:00 kamakalawa ng gabi.
Kinilala
ang biktima na si Julieta Faunillan-Untal, 50 anyos, residente ng nasabing
lugar.
Batay
sa imbestigasyon ng Midsayap PNP, nanggaling ng Libungan Public Market si Untal
at pauwi na sakay ng tricycle nang sinundan ng dalawang suspek na nakasakay sa
motorsiklo.
Pagbaba
mismo ni Untal sa Barangay Villarica, dito na siya pinagbabaril ng mga suspek
gamit ang kalibre 45 na baril.
Nagtamo
ng tama sa kanyang tiyan ang biktima na kasalukuyan pa ring nagpapagaling sa
isang pagamutan.
Inaalam
pa ng mga imbestigador ang motibo sa nasabing pamamaril. Krezel Dianne Sampani
0 comments:
Mag-post ng isang Komento