Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

1 Tulak Droga, nasakote; 1, tinutugis

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Kalaboso ngayon sa Kabacan lock up cell ang isang tulak droga ng madatnan ng DXVL News team sa himpilan ng Kabacan PNP kahapon ng umaga.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang suspek na si Roger Tatak Abpi, 28-anyos, kasado, tricycle driver at residente ng Kabasalan, Pikit, Cotabato.

Batay sa ulat, sakay ang dalawang mga suspek ng motorsiklo papunta sa bahagi ng Quirino St., pero ng parahin ng mga tanod, imbes na huminto, tumalilis ang mga ito.

Kaya hinabol ang mga ito ng mga rumespondeng elemento ng PNP at mga Barangay Peace Keeping Action team o BPAT.

Lumusot ang mga ito sa National Highway sa bahagi ng Brgy. Osias pero ng makarating ang dalawa sa hangganan ng Kabacan at Matalam natumba ang sinsakyan nilang motorsiklo.

Kaya nasakote ang isa sa mga suspek.

Nakatakas naman ang isa pa.

Sa isinagawang body search ng mga elemento ng Kabacan PNP nakuha mula kay Abpi ang isang piraso ng plastic heat sealed sachet na naglalaman ng shabu, ilang illegal drug paraphernalia’s baril na isang kalibre .45 na pistol at apat na mga bala.

Sa ngayon, nakapiit sa Kabacan lock up cell ang suspek habang patuloy namang tinutugis ang isa pa nitong kasama.

Nabatid mula kay Supt. Maribojo na ang suspek ay kasama sa mga Oraganized Group Group na may operasyon sa Kabacan at mga kalapit lugar nito.

Patong-patong namang kaso ang kakaharapin ng suspek. Rhoderick BeñezUSM Devcom intern Zhaira Sinolinding DXVL NEWS



0 comments:

Mag-post ng isang Komento