(Maguindanao/
May 9, 2014) ---Pansamantalang isinara kahapon ang ilang bahagi ng National
highway sa Maguindanao papuntang Koronadal city matapos atakihin ng ilang
miyembro ng Bangsamoro Islamic Armed Forces o BIFF ang tatlong detachment
ng Philippine Army sa lalawigan pasado alas tres kahapon ng madaling araw.
Ayon
kay Philippine Army's 6th Infantry Division spokesperson Col. Dickson Hermoso,
ang grupo ng BIFF na
nangharas sa detatchment ng 45th Infantry Brigade sa Barangay Meta, Datu Unsay,
detatchment ng 1stMechanized
Battalion sa Barangay Poblacion ng nasabing bayan at dating Provincial Capitol
ng Maguindanao
sa Shariff Aguak ay pinangunahan nina Samad Simpal, Kadaffy Abdulatip at
Bungos.
Aniya,
tatlo sa mga sundalo mula sa 1st Mechanized Battalion ang nasugatan nang magpaputok
na ang BIFF sa
military convoy na papunta sana sa hinaras na detatchement.
Ayon
naman kay 1st Mechanized Brigade Commander Col. Edgar Gonzales, unang inatake
ang dalawang detatchment
bago paputukan ng rocket launchers ang dating Provincial Capitol na
nagsisilbing kampo nila ngayon.
Pinapayuhan
naman ng Maguindanao PNP ang publiko na ipagpaliban na muna ang pagbiyahe sa
gabi para makaiwas
na madamay sakaling magkaroon ulit ng biglaang engkwentro.
Sa
ngayon, hindi pa tiyak kung may nasawi o nasugatan sa panig ng BIFF habang
patuloy naman ang paghihigpit
ng militar sa kanilang mga inilagay na checkpoints sa National highway na sakop
ng
Maguindanao.
Krezel Dianne Sampani
0 comments:
Mag-post ng isang Komento