Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

USM Security Head na pinaslang sa loob ng USM Campus, ililibing na sa Biyernes

(USM, Kabacan, North Cotabato/ May 7, 2014) ---Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang USM Security Head na si Ronald Lopez sa Biyernes.

Ito ang napag-alaman ng DXVL News mula sa pamilya mismo ng biktima.

Ayon kay Moneeka Lopez, panganay na anak ng dating ULS Principal na napagdesisyonan ng mga kamag anak na  hindi na itutuloy ang cremation at ililibing na lamang sa kanilang compound ang mga labi ng kanyang ama.

Ani rin niya sila ay mas lalong nagiging matatag kahit na pumanaw pa ang kanilang padre de pamilya dahil alam nilang binabantayan pa rin sila ng kanilang ama.

Humihiling din ng suporta ang pamilya Lopez sa mga mamamayan ng Kabacan.

Sa ngayon hustisya at katarungan pa rin ang sigaw ng pamilya Lopez sa nangyari sa kanilang ama.

Samantala ilang mga estudyante naman mula sa USL ang dumalo kagabi sa necrological service sa kanilang dating punong guro.

Kaugnay nito, pinapaimbestigahan na ni Mayor Herlo Guzman Jr. ang nangyaring pamamatay sa dating mga USM Security Head kabilang na si Lopez.

Ayon sa alkalde nagtataka ito kung anu ang merun sa posisyon ng isang security head kung bakit pinapaslang ang mga ito. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento