Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Libu-libo nakilahok sa Peace Rally hinggil sa BBL sa iba't-ibang panig ng Mindanao

Libu-libo ang nakilahok sa isinagawang Peace rally sa iba't ibang lugar sa Mindanao kahapon para ipanawagan sa kongreso ang pagsasabatas sa Bangsamoro Basic Law o BBL.

Layunin ng Peace rally na maipakita ang suporta ng iba't ibang sektor sa pagbuo ng Bangsamoro Political entity sa Mindanao kapalit ng ARMM.

Isa sa mga sigaw ng mga raleyista ay para sa mga spoilers na bigyan ng pagkakataon ang kapayapaan.

Una nang naisumite ng Bangsamoro Transition Commission ang draft ng BBL kay Pangulong Noynoy Aquino noong nakaraang April 14 para mapag-aralan at malagdaan bilang urgent bill at bago ipasa sa kongreso na magbabalik sa sesyon ngayong araw.

Nabatid na alas 6:00 pa lang ng umaga kahapon ay nagsimula nang maglakad ang mga raleyista mula sa Grand Mosque sa Barangay Kalanganan II, Cotabato city papunta ng City plaza kasama ang iba pang mga residente at public officials mula sa iba't ibang bahagi ng Maguindanao.

Sa Pikit, North Cotabato, General Santos city, isang kahalintulad ding aktibidad ang isinagawa ng libu-libong mga tagasuporta ng GPH-MILF peace process mula sa Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat province.

Makikita naman sa placards at streamers ng mga taga-Lanao del Norte ang "Congress, Do not Delay" na tumutukoy sa pagsasabatas sa BBL.


Ayon sa grupong Mindanao Alliance for Peace o MAP at Consortium for Bangsamoro Civil Society o CBCS, abot sa tinatayang 100 Civil Society Organizations o CSOs ang nakiisa sa rally na sabayan ring isinagawa sa Tacurong city, Basilan at sa Jolo, Sulu. Krezel Dianne Sampani

0 comments:

Mag-post ng isang Komento