Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Government internship program ipapatupad sa Distrito Uno ng North Cotabato

Written by: Roderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ May 16, 2014) ---Nais ipaalam ng Department of Labor and Employment o DOLE North Cotabato Provincial Office na maari nang magsumite ng aplikasyon ang mga interesadong sumailalim sa Government Internship Program o GIP.

Nabatid na ang GIP ay isang programa ng gobyerno upang mabigyan ng pagkakataon ang mga college graduates at undergraduates na nais magkaroon ng karanasan sa government service sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.


Sa pagpupulong na ginawa ngayong araw sa First Congressional District Office ni Rep. Jesus Sacdalan dito sa Midsayap ay sinabi ni DOLE North Cotabato OIC Provincial Director Marjorie Latoja na maari nang tumanggap ng mga aplikante para sa GIP.

Pinaalalahanan naman ni Latoja ang mga aplikante na sumangguni sa tanggapan ni Rep. Sacdalan para sa mga itinakdang qualifications and requirements.


1 komento:

  1. maari po ba malaman kung kaylan ang deadline ng submission of requirements?

    TumugonBurahin