(Kidapawan City/ May 8, 2014) ---Inireklamo
ngayon ng ilang mga bontante sa Kidapawan city ang City Comelec makaraang
nabalam ang kanilang transaksiyon sa nagpapatuloy na voters registration,
reactivation at validation dahil sa mahabang brownout sa Kidapawan City.
Batay sa report abot lamang sa 34 ang
nakapagrehistro sa unang araw ng voter’s registration dahil sa mahabang
brownout.
Kaya’t hiling ng ilan sa mga pumila upang
makapagparehistro, lagyan ng standby generator sets ang local election office
upang maipagpatuloy ang operasyon sa kabila ng power shortage.
Kaugnay nito, iginiit naman ng city LGU na
ginagawan na nila ito ng paraan.
Samantala sa iba pang mga balita, sinabi
kahapon ni Cotalco Spokesperson Vincent Baguio na pasok na sa Grid ang 2 unit
ng STEAG ngayong araw matapos na masira ito.
Sa ngayon abot sa 105 megawatts ang
naidagdag sa supply ng kuryente sa Grid.
Pero ayon kay Baguio, kulang pa rin ang
supply ng kuryente dahil sa abot sa 300MW ang supply demand ng Mindanao sa
kasalukuyan, kaya aasahan pa rin ang rotational brownout lalo na sa service
area na sakop ng cotelco.
Sa Mlang, North Cotabato naman binigyan ni
Mayor Joselito Pinol ng trabaho ang dalawang mangingisda na nakahuli kay Malang
sa isang bahagi ng Liguasan Marsh sa Barangay Dungguan.
Sina Mao Muhaliden at Oman Bojo ay kabilang
na ngayon sa mga enforcement officers ng Municipal Environment and Natural Resources
Office.
Naniniwala si Pinol na malaki ang magiging
papel nina Muhaliden at Bojo sa pangangalaga sa iba pang wild life specie na
matatagpuan sa Liguasan Marsh.
Ang LGU Mlang naman ang magpapasahod sa
dalawa bugat sa General Fund ng PAmahalaang Lokal. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento