(Lebak, Sultan Kudarat/ May 5, 2014)
---Sugatan ang alkade ng Lebak Sultan Kudarat at escort nito matapos sumabog
ang isang pinaniniwalaang Improvised Explosive Device o IED sa gilid ng
Municipal Hall ng Lebak Sultan Kudarat kaninang alas 11:05 ng umaga.
Sa panayam ng DXVL News kay PSI Joel
Martinez, hepe ng Lebak PNP kinilala ang mga biktima na si Lebak Mayor Dionisio
Besana at escort nito na si Police Officer 2 Vislli Reyes.
Ayon kay Martinez palabas na sana ng
Municipal Hall si Mayor Besana at ang body guard nito nang bigla na lamang
sumabog ang isang IED na umanoy naka lagay sa mga nakaparadang motorsiklo
malapit sa opisina ng alkalde.
Nagtamo ng maraming sugat si Mayor Besana at
Reyes na agad namang isinugod sa pinaka malapit na bahay pagamutan.
Mabilis namang rumesponde ang mga otoridad
kasama ang Explosive Ordnance Disposal Team para malaman kung anung uri ng
pampasabog ang ginamit ng mga suspek at magsasagawa ng assesment sa nabanggit
na lugar.
Sa hiwalay na ulat mula kay Sultan Kudarat
Provincial Director Senior Supt. Rex Dela Rosa kinumpirma nito na nasa maayos
ng kalagayan si Mayor Besana at Reyes habang patuloy pa ang ginagawang
imbestigasyon ng mga otoridad sa tunay na motibo ng pagsabog at para madakip
ang mga responsable sa nasabing insedente. Rhoderick
Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento