Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grupong Muscovado nagbigay ng karangalan sa Cot. – Gov Taliño-Mendoza

Written by: Jimmy Sta. Cruz

(Matalam, North Cotabato/ May 5, 2014) ---Nakauwi na sa Matalam ang Grupong Muscovado ng Matalam High School matapos na sumabak ito sa Aliwan Fiesta noong Apr. 24-26, 2014.

Sakay sila ng naglalakihang bus ng Rural Transit, Inc. kasama ang kanilang trainer, ilang mga guro ng Matalam High School at support staff.

Sinalubong naman sila ni Cot. Gov. Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza sa Matalam at binati sa mahusay na performance sa Aliwan Fiesta.

Ayon kay Gov. Taliño-Mendoza, kahit hindi nagwagi at di nakuha ng Grupong Muscovado ang kampeonato ng Aliwan Fiesta ay nagawa naman nitong maipakita ang husay nila sa cultural street dancing at ang makulay na Kalivungan Fiesta sa pamamagitan ng sayaw.

Sinabi ng gobernadora na hindi matatawaran ang ipinakita ng Grupong Muscovado sa Aliwan Fiesta na tinaguriang “Mother of All Festivals”.

Buo naman ang suportang ibinigay ni Gov. Taliño-Mendoza sa grupo mula sa rehearsals hanggang sa pagpunta ng mga ito sa Pasig City kung saan ginanap ang patimpalak.

Ayon kay Matalam High School Principal Ricky A. Dalida, malaking karangalan ang ibinigay ng Grupong Muscovado sa paaralan at ganun din sa bayan ng Matalam.

Hindi raw matatawaran ang ginawang pagsisikap ng mga bata upang makasali sa naturang kompetisyon.

Naging kampeon sa Kalivungan Festival Street Dancing Competition ang Grupong Muscovado noong 2013.

Pagkatapos nito ay pinagtuunan na ng panahon ng grupo ang pagsali sa Aliwan Fiesta kung saan mahigit dalawang buwan din silang sumailalim sa pagsasanay mula Pebrero at Marso, 2014. DXVL News

0 comments:

Mag-post ng isang Komento