Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Proyektong electrification at road concreting pinasalamatan ng mga taga- San Mateo, Aleosan

Written by: Roderick Bautista

(Aleosan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Sitio Bato sa Barangay San Mateo, Aleosan dahil sa mga proyektong ipinatupad ng gobyerno sa kanilang lugar.

Sa kanyang pahayag ay sinabi ni San Mateo Barangay Chairperson Romulo Babao na malaking tulong ang proyektong pailaw na ngayon ay pinapakinabangan na umano ng mga mamamayan sa Sitio Bato.

Ipinapaabot ng opisyal ang kanilang pasasalamat lalo na sa tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan sa pagbibigay ng atensyon upang mapondohan at maisakatuparan ang naturang elektripikasyon.

Nagagalak din ang mga residente ng Sitio Bato dahil sa lalong madaling panahon ay sisimulan na ang road concreting project sa kanilang lugar sa ilalim naman ng Farm-to-Market Road Development Program o FMRDP na ipapatupad ng DPWH.



0 comments:

Mag-post ng isang Komento