(Kabacan, North Cotabato/ April 7,
2015) ---Naging mapayapa sa pangkalahatan ang pagdiriwang ng semana santa sa
buong lalawigan ng North Cotabato.
Ito ayon kay CPPO Spokesperson PCI
Bernard Tayong sa panayam ng DXVL News.
Anya, naging matahimik at mapayapa
ang naging paggunita ng semana santa sa buong lalawigan sa pangunguna ng
Cotabato Police Provincial Office o CPPO sa pamumuno ni P/SSupt. Danilo Peralta
at North Cotabato Provincial Government sa pangunguna ni Gov. Lala Taliño
Mendoza at sa tulong naman ng lahat ng mga mamayan sa lalawigan.
Dagdag pa ng opisyal, bagamat walang
naitalang major untoward incidents bagkus ay may mga isolated cases lamang
kagaya ng pamamaril ng isang anak sa kanyang ama sa bayan ng Pikit, pamamaril
sa isang lalaki na kalalabas lamang sa bilangguan sa bayan ng Midsayap, at
pagkarekober ng malaking halaga ng shabu na tinangkang ipuslit sa loob ng
Cotabato Provincial Jail.
Ayon pa kay Tayong, patuloy ngayon
ang kanilang ginagawang pag-iimbestiga sa tangkang pagpuslit ng malaki-laking
halaga ng Shabu sa loob ng Cotabato Provincial Jail sa pakikipagtulungan ng
Jail Warden.
Samantala, dinagsa din umano ng mga
Christian Believers ang ibang bayan sa lalawigan kagaya ng Bayan ng Midsayap at
Makilala na matagumpay naman umanong nabigyan ng seguridad at natutukan ng
maigi ng mga kapulisan.
Pinasinungalingan din ng opisyal na
meroong nangyaring pangingidnap sa bayan ng Midsayap at maging sa lahat ng area
ng North Cotabato ay walang nang yaring kidnapping. Mark Anthony Pispis
0 comments:
Mag-post ng isang Komento