Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

8 kaso ng dengue naitala ng RHU Kabacan nitong nakaraang buwan: Libreng Operation Tuli ng Kabacan PNP naging matagumpay

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Walong kaso ng dengue ang naitala ng Rural Health Unit ng Kabacan nitong buwan ng Marso.

Mas mataas ito kung ikumpara noong buwan ng Pebrero na nakapagtala lamang sila ng apat na kaso ng nasabing sakit.

Ito ayon kay Disease Surveillance Coordinator Honey Joy Cabellon ng RHU Kabacan.


Sinabi ni Cabellon sa DXVL News na sa kabila ng maliit na bilang ng naitlang nagkakasakit ng dengue patuloy pa rin ang kampanya ng mga ito na panatilihing maging malinis sa loob at labas ng tahanan.

Kabilang sa mga brgy. na may naitlang kaso ng dengue ang Brgy. Katidtuan -1, Kayaga 2, Magatas 2, Pedtad 1 at Poblacion 2.

Maliban dito, nakapagtala din ang tanggapan ng 6 na kaso ng tigdas ang sa kapareho paring buwan, 8 naman ang naitalang kaso ng nagkasakit ng Hepatitis B. at 13 naman sa sakit na Syphilis o “tulo”.

Samantala naging matagumpay ang isinagawang libreng operation tuli ng Kabacan PNP sa Kabacan Rural Health Unit building kahapon.

Ayon kay Cabellon, kabilang sa sumailalim sa nasabing operasyon ang mga nak ng PNP Personnel at ilang mga bata.

Anya, katuwang Kabacan PNP ang Kabacan Rural Health Unit sa pamumuno ni Dr. Sufronio Edu Jr. bilang paghahanda sa isa pang mas malaking aktibidad ng Kabacan PNP ngayong bakasyon. Rhoderick Beñez


0 comments:

Mag-post ng isang Komento