By: Christine
Limos
(Kabacan, North Cotabato/ April 6,
2015) ---Panibagong sunog ang naitala sa bayan ng Kabacan partikular sa Purok
2, baranggay Osias, Kabacan, Cotabato kung saan nasunog ang isang bakanteng
lote na nagsisilbing junkshop ng mga plastic.
Pasado ala una ng hapon ng
makatanggap ng alarm report ang Kabacan BFP mula sa PNP Osias base sa
pangunguna ni PI Rommel Hitalia na nasusunog ang isang junkshop na pagmamay ari
ni Arnelito Nitura, ULS-USM Professor.
Sa imbestigasyon ng Kabacan BFP sa
pangunguna ni FSI Ibrahim Guiamelon nagsimula ang sunog ala una singko ng
tanghali at dineklarang fire out ala una singkwenta ng tanghali.
Ayon sa opisyal non index case ang
naturang sunog at tinatayang nasa dalawang libo at limang daan ang danyos mula
sa mga nasunog na plastic at meter of current. Dagdag pa ng opisyal na faulty
wiring umano ang tinitingnang dahilan ng sunog.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento