Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Grass fire muling naulit sa ikatlong pagkakataon sa isang farm lot sa Kabacan, Cotabato

By: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2015) ---Muling nagpaalala ngayon ang Bureau of Fire Protection Kabacan sa publiko na huwag gawing paraan ng paglilinis ng lote ang pagsusunog dahil nakaka alarma ito.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni FSI Ibrahim Guiamalon matapos na nangyari grassfire kahapon sa isang bakanteng lote na farm lot sa Bliss Katidtuan, Kabacan, Cotabato


Inihayag nitong maaaring malicious intent ang pagkakasunog ng naturang farm lot dahil ito na umano ang ikatlong pagkakataon na nagkaroon ng grassfire sa naturang lugar.

Aniya, pareho ang paraan ng pagsusunog at wala umanong danyos na naitala dahil pawang mga damo at basura lamang ang nasunog sa naturang insidente. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento