By:
Mark Anthony Pispis
(Midsayap, North Cotabato/ April 9,
2015) ---Patuloy pa ngayong inimbestigasyon ng Midsayap PNP ang nangyaring
pagsabog ng isang granada sa mismong compound ng National Irrigation
Administration sa Brgy. Villarica sa Bayan ng Midsayap alas 5:00 ng madaling
araw kahapon.
Ayon kay PSupt. Reynante Delos Santos
hepe ng Midsayap PNP sa panayam ng DXVL News, kinumpirma nito na granada ang
sumabog at meroon pang narekober na
Improvised Explosive Device sa loob pa rin ng compound.
Anya, nangyari ang pagpapasabog sa
kasagsagan ng anibersaryo ng pagkakatatag ng NIA.
Dagdag pa ng opisyal, wala namang
natanggap na pagbabanta o natatanggap na text messages ang OIC ng opisina at
wala rin umanong namataang mga tao sa lugar ang nakaduty na gwardia sa lugar
nang maganap ang insidente ngunit iginiit nito na base sa kanilang ginawang
inisyal na imbestigasyon na pananakot lamang ang motibo sa nasabing
pagpapasabog.
Samantala, nagkaroon din umano ng
shooting incident 30 metro lamang ang layo mula sa pinangyarihan ng pagsabog.
Sa ngayon ay patuloy pa ang
ginagawang imbenstigasyon ng Midsayap PNP kung magkakaugnay ba ang nagyaring
pagsabog at Shooting Incident at nirerequest narin nila ang mga kuha ng mga
CCTV na nakainstall sa vonpound para sa posibleng pagkakilanlan ng mga
responsible sa nasabing insidente.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento