Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

215 na poste na may illegal connection ng street lights sa Poblacion, Kabacan aakuin ng LGU ang bayad

(Kabacan, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Babayaran na ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan ang abot sa 215 mga poste na sinasabing may illegal na connection sa cotelco.

Ito ang sinabi ni Vice Mayor Myra Dulay Bade sa ipinatawag nitong special session sa Sangguniang kahapon.


Aniya, kanila ng inaprubahan ang kahilingan ng opisina ng Alkalde na babayaran ng LGU ang nasabing mga illegal connection ng street lights dahilan ng paglobo ng malaking bayarin.

Suportado naman ito ng kasapi ng SB, hiwalay namang panayam kay Councilor Reyman Saldivar.

Bamaga’t walang katiyakan kung kalian maibabalik ang serbisyo ng nasabing mga pinutol na street lights, gumagawa naman ng hakbang ang LGU na maibalik ito bago ang gagagwing commencement exercises ng University of Southern Mindanao.


Inaasahan na kasi ang magdagsa ng maraming tao lalo na ng mga magulang ng mga estudyante ng USM na buhat pa sa iba’t-ibang lugar. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento