Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 katao, arestado makaraang makuhanan ng illegal na droga sa Matalam, Cotabato

(Matalam, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Kulungan ang bagsak ng dalawa kataong nahulihan ng illegal na droga sa Purok Krislam, Poblacion, Matalam, Cotabato pasado alas 10:00 ng gabi nitong Biyernes Santo.

Sa report ni SPO1 Froilan Gravidez ng Matalam PNP kinilala ang mga naaresto na sina Michael Boliver, 39-anyos residente ng Purok Anthurium, Poblacion at Loreto Reyes, 28-anyos, residente ng Brgy. Dalapitan kapwa buhat sa bayan ng Matalam.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang 2 small heat sealed plastic na naglalaman ng shabu at ilan pang mga drug paraphernalia’s at isang Honda XRM 125 na kulay pula at itim na walang plate number.

Sa ngayon, inihahanda na ng Matalam PNP ang kasong isasampa laban sa mga suspek.
Samantala, arestado din ang isang lalaki na wanted sa batas.

Kinilala ang suspek na si Ninfa Tuala, 37-anyos, may asawa at residente ng Sitio New Leon, Brgy. Latagan, Matalam, Cotabato.

Nahuli ang suspek sa mismong bahay nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Jon. Jose Tabosares, Acting Judge ng 2nd Municipal Circuit Trial Court, Mlang na may petsang March 11, 2015.


Ang suspek ay nahaharap sa kasong adultery na may case number 5645 sa ilalaim ng Article 333. Rhoderick Beñez

0 comments:

Mag-post ng isang Komento