Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Diarrhea Outbreak sa bayan ng Alamada, pinasinungalingan ng LGU

By: Mark Anthony Pispis

(Alamada, North Cotabato/ April 9, 2015) ---Pinasinungalingan  ng Alamada LGU ang report na nagkaroon umano ng Diarrhea Outbreak sa bayan.

Ito ayon kay Alamada Municipal Administrator Ruben Cadava sa panayam ng DXVL News.

Aniya bagama't wala nangyaring outbreak ng nasabing sakit sa lugar ay kinumpirma nitong abot sa 28 katao ang nagkasakit ng diarrhea sa Sitio Sabunan Brgy. Giling sa nasabing bayan at 3 rito ang na-admit sa bahay pagamutan.

Dagdag pa ng opisyal, nangyari umano ang pagtama ng sakit sa mga residente bago paman nagsimula ang Semana Santa.

Ayon pa kay Cadava na posible umanong ang pinagkukunang tubig mula sa ginawang mga balon ng mga residente ang dahilan ng pagkakasakit ng mga biktima.

Tiniyak naman ng opisyal na nasa maayos ng kalagayan ang mga biktima matapos ang gamutan na isinagawa sa kanila.




0 comments:

Mag-post ng isang Komento