(Kabacan, North Cotabato/ April 8, 2015) ---Naantala ang
isasagawa sanang commissioning at testing ng Therma South Inc. matapos na
maganap ang malawakang brownout sa Mindanao nitong linggo ng madaling araw.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Aboitiz Power
Corp. Corporate Branding and Communication Manager Wilfredo Rodolfo.
Aniya, kumukuha kasi ng supply ng kuryente ang
TSI sa power grid habang nasa testing at commissioning stage pa lamang ang mga
ito.
Dahil sa pangyayari, kailangan munang i-asses
ng TSI ang kanilang planta at mga kagamitan dahilan din kung bakit maaapektuhan
ang power delivery ng mga ito sa Distribution Utilities partikular na ang
Cotelco.
Ang Cotelco ay naka-kontrata sa TSI ng 10MW
na papasok na sana ngayong linggo.
Pero dahil sa insidente naapektuhan ang
power delivery ng mga ito.
Sinabi ni Rodolfo na kanilang maideliver ang
power sa grid at magagamit ng 20 mga distribution utilities sa Mindanao kasama
na ang Cotelco sa unang kalahating taon ng 2015.
Tiniyak naman ng pamunuan ng TSI na magiging
maayos at epesiyenteng serbisyo sa supply ng kuryente ang kanilang maibibigay
sa mga customer nito. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento