By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 9,
2015) ---Hinihintay na lamang ang approval ni Mayor Herlo Guzman Jr. para sa
nalalabing slots upang maibigay ang natitirang slots sa Special Program for
Employment of Students o SPES sa bayan ng Kabacan ngayong taon.
Ayon kay Designate Public Employment
Service Office George Graza sa panayam ng DXVL News 60 na slots umano ang
nakatakda para sa mga estudyante ng Kolehiyo at High School ngunit 37 slots na
lamang ang natitira.
Anya 23 umano ang naka-reserbana
slots mula sa mga dati nang naging benepisyaro ng programa basta wala silang
summer load subjects.
Magtatrabaho ang mga estudyante
bilang mga labor, clerks sa mga opisina ng gobryerno.
Dagdag pa ni Graza na 60% mula sa
sasahorin ng mga estudyante ay magmumula sa LGU Kabacan na agad namang ibibigay
sa mga ito at 40% mula rito ay magmumula Department of Labor and Employment o
DOLE na makukuha ng mga ito sa huling quarter nitong taon.
Ang SPES ay programa ng DOLE katuwang
ng mga LGU’s para matulungan ang mga estudyante sa kanilang gastusin sa
eskwelahan lalo na sa kanilang matrikula sa susunod na pasukan, ayon pa kay
Graza.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento