Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

2 Internet contractor sa North Cotabato, patay matapos mahulog sa tower

by: Mark Anthony Pispis

(Kabacan, North Cotabato/ April 10, 2015) ---Kamatayan ang sumalubong sa dalawang private internet contractors makaraang magkahiwalay na nahulog sa inakyat na antenna.

Kahapon dead on arrival sa pagamutan si Rodel Man-on, 36-anyos matapos na mahulog sa ini-install nitong antenna sa Makilala, North Cotabato.

Napag-alaman na nasa 70ft ang taas na inakyat ng biktima.


Bumigay ang alambre at tubo ng kanyang inakyat na antenna kaya siya nahulog.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima pero binawian na rin ng buhay dahil sa tindi ng pasa at sugat ng kanyang tinamo.

Samantala, nagdadalamhati naman ngayon ang pamilya ng isang lalaki matapos itong namatay makaraang mahulog din sa akyat nitong tower sa Brgy. Lower Paatan Elementary School sa bayan ng Kabacan ala 1:00 ng hapon kamakalawa.

Kinilala ng Kabacan PNP ang nasawi na isang Ryan Navarro, 39 anyos, may-asawa, empleyado ng TJ 101 Computer Sales and Services at residente ng Bayan ng Matalam, North Cotabato.

Ayon kay Joseph Lorilla, isang USM instructor na siyang nag report sa nasabing pangyayari sa Kabacan PNP, inakyat umano ng biktima ang tower sa nasabing paaralan at pagdating sa kalagitnaan ay bumigay ang tower kaya nahulog ang biktima.


Naisugod din sa bahay pagamutan ang biktima pero binawian din ng buhay.

0 comments:

Mag-post ng isang Komento