(Kabacan, North Cotabato/ April 6, 2015) ---Patuloy
pa ngayong inaalam ng pamunuan ng National Grid Corporation of the Philippines
o NGCP ang dahilan ng malawakang brownout sa buong isla ng Mindanao kahapon ng
madaling araw.
Batay sa text message na ipinadala sa DXVL
ni NGCP Corporation Communication & Public
Affairs Officer for Mindanao Milfrance Bambie Capulong na nagsimula ang power
interruption ala 1:00 ng madaling araw kasagsagan ng pagsalubong ng linggo ng
pagkabuhay.
Sinabi ni Capulong na ang
pagbalik ng supply ng kuryente ay nakadepende sa mga distribution utilities
nito.
Sa panig ng Cotelco, pasado
alas 7:00 na ng umaga bumalik ang supply ng kuryente.
Kabilang sa mga lugar na nawalan ng supply
ng koryente ang Cotabato City, Maguindanao, North Cotabato at Lanao del Sur.
Nabatid na maliban sa North Cotabato ay
nakaranas rin ng kahalintulad na pagkawala ng supply ng koryente ang mga
lungsod ng Davao, Cagayan de Oro, Zamboanga, Gen. Santos, Tacurong, Koronadal,
Kidapawan, Digos, Valencia, Malaybalay, at Pagadian City.
Tiniyak naman ng NGCP na kanilang
paiimbestigahan ang nangyari malawakang brownout sa Mindanao na hanggang sa
ngayon ay hindi pa malinaw ang dahilan ng malawakang brownout sa Mindanao Grid.
Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento