(Mlang, North Cotabato/ April 9,
2015) ---Sinaksak hanggang sa pamatay ng isang ama ang mismong sariling anak
nito sa Barangay Inas, Mlang, sa
lalawigan ng North Cotabato kamakalawa.
Kinilala ni PSI Jonameel Toniacao ang suspek na si Lito Todelio na
ngayon ay nakapiit na sa Mlang PNP lock up cell.
Batay
sa report, pinagtulungang saksakin
ng suspek at kanyang stepson ang biktimang si Greggy Todelio, 30-anyos na isang
magsasaka habang ito ay natutulog.
Walang magawa ang
biktima ng pinagtulungan ng ama at stepbrother sa saksak dahil sa pagseselos ng
mga ito dahil malapit aniya ang biktima sa kanyang stepmother.
Kauuwi lang galing ng
Visayas ang biktima ng maganap ang karumal dumal na krimen. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento