(Kabacan, North Cotabato/ April 9,
2015) ---Isinailalim na kahapon sa state of Calamity ang bayan ng Kabacan dahil
sa tindi ng pinsala dala ng drought season na nararanasan nito pang mga nakaraang
buwan.
Ito ang sinabi sa DXVL News ni Vice
Mayor Myra Dulay Bade sa special na session na isinagawa ng SB kahapon ng
umaga.
Ginawa ng SB ang hakbang upang
makapagpalabas ng pondo para pang ayuda sa mga amgsasakang matinding napinsala
ng El Niño.
Matatandaang humingi rin ng tulong
ang punong barangay kapitan ng Brgy. Pisan ilang linggo makaraang mapinsala ang
kanilang mga pananim na mais bunga ng tag-init.
Sa ngayon ay magagamit na ang pondo
ng Calamity Fund ng Kabacan bilang tulong sa mga naapektuhang magsasaka.
Sa hiwalay na panayam ng DXVL News
kay Councilor Reyman Saldivar, ang deklarasyon ng state of calamity aybilang
tugon nila sa kahilingan ng mga magsasaka na tulungan sila. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento