By:
Mark Anthony Pispis
(Kabacan, North Cotabato/ April 9,
2015) ---Pinaghahandaan na ngayon ng Kabacan LGU katuwang ang North Cotabato
Provincial Government ang gagawing Summer Kids Peace Camp na gaganapin sa Abril
a-27 hanggang a-29 ngayong taon.
Ayon kay Kabacan administrative officer Cecilia Facurib sa panayam ng DXVL News, ang nasabing aktibidad
ay lalahukan ng nasa humigit kumulang 1,800 na mga incoming grade 6 pupils sa
buong bayan na isasagawa naman sa Kabacan Pilot Elementary School.
Aniya, daraan sa mga training at
seminar workshops ang mga kalahok kaugnay sa Peace, Childs Right, Religious
Activity at marami pang iba mula sa ibat-ibang sangay ng pamahalaan kagaya ng
PNP, BFP, MSWDO, RHU at marapang iba.
Ang SKPC ay isang programang nilikha
ni Gov. Taliño-Mendoza na naglalayong maging instrumento ng kapayapaan ang mga
batang mag-aaral sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng kahalagahan ng
pagkakaunawaan, respeto at paggalang sa paniniwala, relihiyon, kultura at
tradisyon ng bawat isa.
Sa bayan ng Kabacan ang pagbubukas ng
taunang Summer Kids Peace Camp ay pangungunahan naman ni Kabacan Mayor Herlo
Guzman Jr. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento