(Kabacan,
North Cotabato/ May 9, 2014) ---Abot sa mahigit sa isang daan ang naging
benepisyaryo ng isinagawang Medical at Mission na isinagawa sa Brgy. Kayaga,
Kabacan, Cotabato kahapon.
Ang
programa ay pinangunahan ng Provincial Government sa pakikipagtulungan ng Lokal
na Pamahalaan ng Kabacan at ng Sangguniang bayan.
Lubos
naman ang pasasalamat ng mga residente sa isinagawang programa dahil malaking
tulong ito para makapag-pa-check up ng libre lalo na ang mga matatanda na
walang kakayahang makapagpagamot.
Bukod
pa dito ay nabigyan din ng libreng bunot sa ngipin ang ilan sa mga residente sa
lugar.
Kasama
sa nasabing proyekto ang mga doctor ng Provincial hospital, regional safety
battalion, 7th field artillery battalion at 7th infantry battalion Bravo Company.
Bai Zhaira Sinolinding
0 comments:
Mag-post ng isang Komento