(Koronadal City/ Janaury 20, 2014) ---Pinaplantsa
na ng Office of the Civil Defense Regional Office 12 ang Regional Contingency
Plan ng Rehiyon upang mapaghandaan ang mga di inaasahang kalamidad na tatama sa
Rehiyon.
Ito ang sinabi ni OCD 12 Regional Director
Jerome Barranco sa panayam sa kanya ng DXVL News kahapon kasabay ng pagbabantay
nila sa lagay ng panahon sa Region 12.
Sinabi ng opisyal na bagama’t ang Rehiyon ay
patuloy na nakakaras ng Low Pressure Area, dapat pa rin aniyang maging
vigilante dahil nagdudulot pa rin ito ng malalakas na pag-ulan sanhi ng mga
flashflood at landslide.
Kaugnay nito, nagsagawa ng emergency meeting
ang OCD 12 kahapon sa lungsod ng Koronadal kasama pa ang ilang ahensiya ng gobyerno
para pag-usapan ang ilang mga preparedness measures, ayon kay Barranco.
Sa ngayon, batay sa report ni North Cotabato
Provincial Disaster Risk Reduction Management Officer Head Cynthia Ortega na
wala pa namang may naitatalang mga pagbabaha sa North cotabato dahil sa LPA.
Pero sa kabila nito, patuloy ang Paalala ng
OCD 12 sa publiko partikular na sa mga lugar na malapit sa paanan ng bundok at
malapit sa ilog na maging vigilante kontra sa landslide at mga pagbaha. Rhoderick Beñez
0 comments:
Mag-post ng isang Komento