(USM,
Kabacan, North Cotabato/ September 3, 2012) ---Ipinag-utos ngayon ni USM
President Dr. Jess Antonio Derije ang pagpapaskil ng monthly financial
statement ng University of Southern Mindanao, ito para makita ng lahat ng mga
kawani at mga estudyante ng Pamantasan kung papaanu ang paggasta ng pera ng
USM.
Ginawa
ng Pangulo ng Pamantasan ang pahayag sa isang diyalogo kaninang umaga sa USM
gymnasium sa harap ng faculty and staff kasama na ang mga estudyante, ito
makaraang samu’t saring alegasyon ang ipinupukol ng ilang mga kritiko ng Pangulo
laban sa kanya, bukod pa sa mga kumakalat na open letters.
Sinabi
ni Dr. Derije na ang walumpung porsientong budget ng Pamantasan ay mula sa
General appropriation fund kungsaan dito kinukuha ang sahod ng mga regular na
empleyado ng USM habang ang local income naman ng pamantasan ay nagmumula sa
agricultural at non-agricultural resource generation project.
Maliban
dito, nagmumula naman sa fund 164 o sa tuition fee ang sweldo na pambayad sa
mga contractual na mga guro ng USM at mga security guards.
Kaugnay
nito, dapat na dumaan sa resource generation committee bago gamitin ang
nasabing pondo kung sakaling gagamitin o hihiramin ito sa ibang proyekto, ayon
sa Pangulo.
Binuksan
naman ang open forum kungsaan iba’t-ibang mga isyu at alegasyon ang sinagot ng
USM administrative council mula sa mga kumakalat na open letters kabilang na
dito ang pamumutol ng kahoy sa loob ng Pamantasan, ang kontrobersiyal na pagbibili
ng mga gamit ng USM at iba pa.
Sa
kabila nito, hayagang sinabi naman ng Pangulo na ang kasong isinampa kontra sa
kanya ay nasa BOR na matapos na maipaabot na ito sa Ombudsman at handa namang
harapin ito ng Pangulo.
Pinasalamatan
naman ng ilan ang ginawang hakbang ni USM Pres. Derije na nagpatawag ng special
convocation kasama na ang open forum para sagutin ang mga kumakalapat na open
letters, na ayon sa ilan ay sumisira lamang sa mismong dignidad ng Pamantasan
at ng kanilang mismong pinagkukunan ng “bread and butter”.
Sinabi
naman ni Physical and Plant Development Director Orlando Forro na bago gagawa
ng nasabing hakbang dapat munang konsultahin ang kinauukulan para ipabatid ang
nasabing problema o reklamo at wag lang agad magpapakalat ng mga maling
parating na bagay namang nakakasira ng imahe ng USM.
Maliban
sa pangulo dumalo din sa nasabing diyalogo kanina ang apat na mga vice
Presidents, kasama sina USMFA Pres. Dr. Anita Tacardon at USG Pres. Jalvin
James Gaspan na kapwa miembro ng Board of Regents, ang highest Policy body ng
USM.
Sa
kabila ng kontrobersiya na kinakaharap ng Pangulo, iginigiit nito ang anti-red
tape law para sa transparency ng lahat ng transaksiyon ng gobyerno, partikular
na sa USM.
Panawagan
pa rin ng Pangulo ang pag-tutulungan at pagkakaisa ng bawat lahat para tulungan
patatagin at palakasin ang USM, na itinatag ng great Muslim educator Bai Hadja
Fatima Matabai Plang. (Rhoderick Beñez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento