(Kidapawan City/September 5, 2012) ---Isang bahay ang
tinupok ng apoy sa Sitio Guadalupe, Barangay Singao sa lungsod ng Kidapawan
bandang alas syete kwarenta y singko ng umaga kahapon.
Ang tahanan ay pag-aari ni Adriano Sumampong, isang
empleyado ng Hall of Justice ng lungsod
Ayon kay Ermelita Palapas, isa sa mga kasambahay ng
biktima, sinabi niya’ng may narinig siya’ng pagsabog mula sa kwarto ng amo bago
nagsimula ang sunog.
Di pa madatid kung ano ang dahilan ng pagsabog na naging
mitsa ng apoy.
Tinatayang abot sa isa at kalahating milyong piso ang
halaga ng mga kagamitang tinupok ng apoy.
Bandang alas nwebe ng umaga na nang maapula ang sunog.
0 comments:
Mag-post ng isang Komento