(Makilala,
North Cotabato/June 25, 2012) ---Daan-daang mga rubber tappers mula sa North
Cotabato ang nagtipon sa harap ng Makilala hall sa bayan ng Makilala upang
hingin sa pamahalaang lokal na mamagitan sa diumano’y pagbulusok ng presyo ng
goma.
Ang
mga nagsagawa ng kilos protesta ay mga kasapi ng Free rubber Tappers
Association na binuo nitong taong 2009.
Ayon
sa grupo, ayaw umano nilang paniwalaan ang rason na pagbaba sa presyo ng goma
dahil sa over supply nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ito
makaraang i-check nila sa labas na di naman totoo ang nasabing report.
Nabatid
na ang bayan ng Makilala ang tinaguriang capital rubber produksiyon sa North
Cotabato kungsaan dito makikita ang apat na mga rubber buying stations.
Simula
buwan ng Mayo ngayong taon ang rubber cup lumps ay binibili sa halagang P46
hanggang P48 kada kilo kumpara sa dating halaga nito nitong Marso, 2011 na
P90-P95 ang bawat kilo.
Ang
rally ng grupo nitong Biyernes ay pangalawang beses ng isinagawa ngayong buwang
ito, kungsaan dismayado sila dahil wala umanong ginagawa ang gobyerno para
matugunan ang nasabing problema.
Sa
lalawigan ng North Cotabato ang kabuuang erya na pinagtamnan ng rubber ay
umaabot sa 32,066.79 kungsaan 2,537 rubber
farmers ang nagmementina dito, ayon sa data.
Kung di ito agad na maaksyunan,
posibleng mamatay ang industriya ng goma sa probinsiya. (Rhoderick Benez)
0 comments:
Mag-post ng isang Komento