Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Isa na namang Indian nat'l dinukot sa Mindanao

(Parang, Maguindanao/ November 17, 2013) ---Makaraang ang dalawang linggo na pagkakadukot sa isang mall owner sa Cotabato City na si Mike Khemani, isa na namang Indian national na negosyante na dinukot sa isang bayan sa Maguindanao alas 9:20 kagabi (November 13, 2013).

Kinilala ang biktima na si Krishan Singh Arora, 54.

Ayon sa report naganap ang pagdukot sa biktima habang bumili ng Everson Flywood Company sa Brgy Landasan Maguindanao si Arora.


Ayon kay Maguindanao PNP provincial head S/Supt Rudelio Jocson, pinasok ng 10  armadong kalalakihan ang Everson Company at pilit na kinuha ang biktima.

Iginapos ng mga suspek pati mga security guard ng negosyante bago tumakas ang mga kidnapper dala ang biktima.

Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy pa ang rescue operation ng militar at pulisya para mailigtas ang biktima.

Ang nasabing establisiemento ay apat na kilometro ang layo mula sa Pobalcion ng bayan ng Parang.
Ang pagkaka-abduct kay Arora ay 13 araw matapos na dinukot si Mike Khemani, may ari ng department at grocery center sa Cotabato City.

Ayon sa ulat, pinaniniwalaang nasa bahagi ng Liguasan Marsh sa Northern Kabuntalan sa lalawigan ng Maguindanao, dinala ng kanyang mga abductor si Khemani. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento