Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

PCA tinukoy ang mga programang ipatutupad nito sa PPALMA para sa susunod na taon

(Midsayap, North Cotabato/ November 21, 2013) ---Inihayag ni Philippine Coconut Authority o PCA 12 Regional Director Tommy Jalos ang  mga programang ipatutupad ng ahensya sa susunod na taon.

Ginawa ito ng opisyal sa isang dayalogo na ginanap kamakailan sa Kapayapaan Hall sa bayan ng Midsayap na dinaluhan ng mga kasapi ng small coconut farmers organizations o SCFO at mga kooperatiba sa unang distrito ng North Cotabato.


Ang nabanggit na dayalogo ay inorganisa ng Department of Trade and Industry North Cotabato at tanggapan ng unang distrito bilang suporta sa coconut industry sa distrito uno.

Ayon kay Director Jalos, isinusulong nilang mabigyan ng pagkakataon ang mga magniniyog na magparami ng sarili nilang seedlings sa ilalim ng Participatory Coconut Planting Program.

Habang sa Coconut Seedlings Dispersal Program o CSDP ay target ng PCA na makapamahagi ng planting materials para sa 600 ektarya sa buong unang distrito.

Aniya, abot sa 1,860 bags ng asin ang nakalaan para sa PPALMA na nakatakdang ipamigay sa mga coconuts farmers sa ilalim naman ng Salt Fertilization Project.

Samantala, inihayag naman ni SCFO North Cotabato Provincial President Leo Lorredo na nasisiyahan sila sa target programs ng PCA para sa 2014.

Ngunit iminumungkahi ng grupo na magkaroon ng coconut farmer’s desk na magsisilbing information and assistance center para sa mga magniniyog ng probinsya. Roderick Bautista


1 komento: