Welcome Class 2015

Welcome Class 2015

Sa lahat ng mga sumuporta sa ating programa at aktibidad sa ika-siyam na taong anibersaryo ng DXVL FM! Maraming Maraming salamat po sainyu! Sa aming mga sponsors at mga mga naging katuwang sa Tree growing Activity, Bloodletting Activity at sa Hatawan Para sa Batang Nangangailangan, taos puso po kaming nagpapasalamat… hanggang sa susunod na taon Kakoolitan…

DXVL Staff

...

Rescuer, patay sa isinagawang retrieval operations sa gumuhong tunnel sa Magpet, North Cotabato

(November 21, 2013) ---Nagbuwis ng buhay ang isang rescuer matapos na ma-suffocate sa ginawang retrieval operation sa 70-talampakang lalim ng tunnel sa bayan ng Magpet, North Cotabato nitong linggo.

Kinilala ang nasawi na si Boy Alboro, residente ng Barangay Balite ng nasabing lugar.

Ayon sa report posibleng nakalanghap ang biktima ng mataas na uri ng toxic gas sa ilalim ng tunnel na naging dahilan ng pagkamatay nito.
Sinabi ni Nora Quirante, kamag-anak ng tatlong mga nasawing minero sa Barangay Temporan na sampung mga kapitbahay nito ang tumulong sa retrieval operations ang isinugod din sa ospital matapos na makaranas ng paninikip ng diddib at hirap sa paghinga at pagsusuka.

Malalaki ang paniniwala ng biktima na posibleng naka-langhap din ang mga biktima ng kemikal sa ilalim ng gumuhong tunnel. Rhoderick Beñez



0 comments:

Mag-post ng isang Komento